Sa Pangasinan aking Ibibida
kanilang pagkaing gawa at Produkto!!!
First time ko pong gumawa ng blog na
isa sa mga performance task na gagawin sa Senior High. Napili ko ang genre ng
pagkain dahil sino pa ba ang tatanggi pagdating sa pagkain lalo na sa mga
pagkaing gawa at ipagmamalaki ng lahing Pinoy ako pa ay isang mag- aaral sa
Dagupan City National High School. Grade 11. Stem Strand. Sana po magustuhan
niyo ang mga pananaliksik, karanasan at kaalaman tungkol dito. Salamat sana
magustohan niyo ito ☺☺😊😊😉
➤KALESKES-DAGUPAN CITY
Sino pa bang hindi makakakilala sa pagkaing ito. Ito ay masarap ipang sabaw tuwing tag-ulan o kaya'y madalas gawing pang himagas sa mga umiinom ng alak hahhahahaha isa sa mga alam kong pwedeng niyong pagkaininan ng masarap na kaleskes ay SA Dagupan sa may Herero Perez isa sila sa mga masarap na kaleskes na maghanda ayon sa aking research ang kaleskes ay isang pagkain Pangasinense na nangangahulugan ng "bituka" na siyang pangunahing sangkap nito. Ang sabaw na putaheng ito ay sinamahan pa ng iba't ibang lamang-loob ng baka tulad ng pale, goto at bato. Maikukumpara ang lasa nito sa hindi mapait na bersyon ng pagkaing "papaitan" ngunit masmayaman ang sabaw nito dahil hinaluan ito ng dugo.
Sino pa bang hindi makakakilala sa pagkaing ito. Ito ay masarap ipang sabaw tuwing tag-ulan o kaya'y madalas gawing pang himagas sa mga umiinom ng alak hahhahahaha isa sa mga alam kong pwedeng niyong pagkaininan ng masarap na kaleskes ay SA Dagupan sa may Herero Perez isa sila sa mga masarap na kaleskes na maghanda ayon sa aking research ang kaleskes ay isang pagkain Pangasinense na nangangahulugan ng "bituka" na siyang pangunahing sangkap nito. Ang sabaw na putaheng ito ay sinamahan pa ng iba't ibang lamang-loob ng baka tulad ng pale, goto at bato. Maikukumpara ang lasa nito sa hindi mapait na bersyon ng pagkaing "papaitan" ngunit masmayaman ang sabaw nito dahil hinaluan ito ng dugo.
➤SPECIAL LONGANISA- ALAMINOS CITY
Honestly ang tagal ko ng hindi nakakatikim ang sarap nito at sikat na sikat sa Lunsod ng Alaminos ayon sa aking pananaliksik dinesenyo ang lasang ito na medyo maalat na lasang bawang, Ang sarsa na gawa ng Alaminos na matamis-tamis na mayroong lasang karne ang karne na ito ay kinulayan ng kaangkop na pulang azuete at binalotan ng bituka ng baboy. Ito ay nanggaling sa Alaminos na mabibili sa ibat’ibang lugar sa Pangasinan.
➤PIGAR-PIGAR-DAGUPAN CITY
Hindi ka
taga Dagupan kung hindi mo ito kilala maging sa Pangasinan. Taga Dagupan
at tuwing kumakain ako napapabaon ako ng kanin sobrang sarap nito lalo na kung
may repolyo at sawsawan na maanghang para sa iba pang impormasyon narito ang
ilan sa aking na research ang Pigar-pigar ay isa sa sikat na pagkain sa
Galvan Street sa Dagupan City. Ito ay karneng baka na hiniwa-hiwa sa maliliit
na piraso at pinirito na may kasamang gulay. Ang Pigar-pigar ay salitang
Pangasinense na nangangahulugan ng "binalibaliktad" dahil sa
pamamaraan ng pagluluto nito. Kadalasan na ginagawang ulam ito ngunit
mastaniyag ito bilang perpektong pulutan kasama ang beer.
Kinikilo ang bentahan ng pagkain na ito. Mula sa 80-100 pesos ang presyo ng 1/4
kilo nito na pwedeng haluan ng gulay tulad ng cabbage o cauliflower at sibuyas.
Iba't ibang bersyon pa rin ang maaring matikman na dumidepende sa restaurant na
nagluluto nito.
➤PUTO-CALASIAO
Isa sa
mga masarap isama sa pagkaing dinuguan at pang meryenda ito pa ang ibang
impormasyon tungkol dito ang Puto Calasiao ay pagkaing mula sa giniling na
bigas at binuburo ng ilang araw bago ito lutuin at maging isang masarap na
puto. Ang maliliit na bilog na pagkaing ito ay may iba't ibang flavors tulad ng
cheese, ube, pandan at maging strawberry. Kadalasang kinikilo ito
kapagbinibenta at nagkakahalaga ng mula 80-100 per kilo at atatatagpuan ang
nagkukumpulang tindahan nito sa Pamilihang Bayan ng Calasiao. Kung pasalubong
ang hanap, siguradong swak na swak ito.
➤BANGUS-DAGUPAN
Bangus
Capital of the word iba nga naman ang lasa ng bangus dito bakit nga ba???
Honestly talaga hindi pa ako nakakatikim ng bangus na hindi sa dagupan
para sa konkretong impormasyon sa aking pananaliksik ang kakaibang lasa ng
bangus ng Dagupan sa ibang bangus sa ating bansa ay ang kanilang “hybrid” na
klasi ng bangus . Halos lahat ng bangus ay tubig-tabang pero ang dagupan
ay hinaluan ng tubig-alat na pina igting ng gulpo ng lingayen. Dahil ito ay may
tubig- tabang ito mas malasa at hindi malansa. Ito ay magandang ihaw at gawing
boneless o gawing panlasa sa ibang pagkain.
➤BAGISEN-SAN CARLOS
Masarap
ito at isa sa sa mga pinaka pabirito ko. Ito ang pinagmamalaki ng
pangasinan na orihinal na nanggaling sa San Carlos na parehas lang sa dinaguan
pero ang malaking deperensiya ay niluluto siya na parang sa pagluto ng
Kaleskesan. Ito ay gawa sa kambing, baboy at karne ng baka na pinakuluaan na
iginisa kung titikman na nilagyan ng baboy o kambing kasama ang kanilang dugo
na tinadtad.
➤TSOKO TABLEYA-BUGALLON
Itong
natural na “Dark Chocolate” na gawa sa tinadtad na tuyong buto ng cocoa na
magandang pang tapat sa inyong mga tinapay tuwing umaga na galling sa BugalLon
. Hanggang ngayon hindi parin matatawaran ang lasa nito.
➤TUPIG-BUGALLON
Ito ay
malagkit na nilagyan ng kalyog ng buko na binabalotan ng dahon ng banana.
Nabinili sa Tarlac pero ang orihinal na bersyon ay orihinal sa Soconoy,
Bugallon, Pangasinan. Sikat ito dahil sa mabangong usok at matamis nitong lasa.
➤BINUNGEY-BOLINAO
Ito ay
isang klasi ng malagkit na maitutulad sa tupig pero ang pagkakaiba ay matamis
ito. Ito ay niluto inilgay sa dahon ng banana na nilagay sa kawayan. Pag ito ay
niluto ang kawayan ay hinati patayo para maalis ang malagkit na bigas at gawa
ito sa matamis na pinainitan ng kayug ng buko na tinunaw ng pulang asukal na
orihinal sa Bolinao.
Sana po ay nagustuhan
ninyo ang laman ng post ko at sumabaybay pa kayo maraming salamat sa pagbigay
ng oras sa aking post . Update may next post salamat.
Credits And Respects to the
following Authors and links:
→http://www.tripapips.com/home/the-taste-of-pangasinan-6-must-try-dishes-in-calasiao-and-dagupan-city
→http://www.gmanetwork.com/news/video/balitapilipinas/198185/mga-katakam-takam-na-pagkain-tampok-sa-kabi-kabilang-festival-sa-pangasinan/video/
→http://insights.looloo.com/pangasinan-dishes-and-pasalubong/
No comments:
Post a Comment